Kasal ni Angel Locsin matuloy kaya?

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Thu, 18 Jul 2019 08:59:37 +0000

timing box

 

UNCONFIRMED pa kung kailan magaganap ang kasalang Angel Locsin at Neil Arce. Bulung-bulungan na diumano, November 2020 ang kanilang wed­ding.

Sa interbyu kay Angel ng “Rated K,” biniro siya ni Korina na sana daw wala nang bawian ng engagement ring.

Hirit ni Angel na may himig banta: “Lagot siya (Neil) sa tatay ko ‘pag nagkataon.”

ANGEL Locsin (FB)

ANGEL Locsin (FB)

Anyway, may negative comments kaming nabasa mula sa ilang neti­zens na kesyo hindi raw matutuloy ang kasal ng dalawa dahil maghihi­walay din ang mga ito.

 

MAY GANUN?

Ang siste daw kasi, hindi na­man daw talaga nagtatagal ang pakikipag-relasyon ni Neil sa mga celebrity.

Una niyang nakarelasyon si Max­ene Magalona, sumunod si Bela Padilla. Lahat nauwi sa hiwalayan.

Ang sa amin, huwag naman sanang judgemental ang ilan. Baka si Angel na nga talaga ang “the one” for Neil. Inalok nga ng kasal ‘di ba?

And take note, more or less than a year pa lang sila together, may marriage proposal na si Neil so, she must be his one true love.

Hindi kaya?

http://tempo.com.ph/feed/