Jealous guy
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 26 Jun 2019 09:37:01 +0000
Hi Ms. Rica,
Kailangan ko po ng tulong niyo. My girlfriend and I are very much in love po. Mahal na mahal ko po siya at natatakot akong mawala siya. Kaya naman po madalas ay nagseselos ako tuwing alam ko na may kasama siyang ibang lalake (pwedeng officemate o kahit kaibigan niya). Lagi po naming itong pinag-aawayan dahil nakakasakal daw po para sa kaniya. Ano po ba ang pwedeng gawin para hindi na magselos?
Jealous Jay
Hello Jealous Jay,
Jealousy is a normal and common part of being in a relationship. Para sa ibang tao, kapag nagseselos ang kanilang partner ay sign ito ng pagmamahal. But, if the jealousy becomes too often at nagiging wala na sa lugar, pwede itong makasira ng isang relasyon. Kaya kung gusto mong maagapan na hindi maapektuhan ng malala ang iyong relationship, tama ngang gumawa ka ng mga bagay para mapigilan o mabago ang iyong pagseselos.
Unang una, it is important to dig deeper and to look at your feelings closer. Ano ba ang nakakapag-trigger ng pagseselos na ito? Are you afraid na makahanap ng iba at iwan ka ng girlfriend mo? Hindi mo ba siya pinagkakatiwalaan? Sa tingin mo ba ay mayroon siyang mga tinatago sa iyo? It is also important to figure out kung saan nanggagaling ang pagseselos na ito. Naloko ka na ba dati at feeling mo maloloko ka ulit? O baka naman ikaw ang nangloko dati at natatakot kang balikan ng ginawa mo noon? Siya ba ang dahilan ng pagkawalan mo ng tiwala sa kaniya? O pwede kayang insecurities at pagkakulang ng confidence mo sa sarili mo ang dahilan?
Try making a list of all the things that make you jealous at kung saan sa tingin mo ito nagmumula. This way, mas madaling maintindihan ang reaksyon mo sa mga pangyayari. Kapag naintindihan mo na ang reaksyon mo, mas madali na itong i-control. In all cases, keep in mind that it may be unfair to your girlfriend now to bear the grudges of what you did and what happened to you before. Iba siya sa nakaraan. Also, hindi rin nakakatulong sa isang relationship kung ibabato mo sa girlfriend mo ang iyong insecurities. Kaya mas maiging malaman mo kung saan ba talaga nagmumula ang iyong pagseselos.
Baka rin makatulong kung ma-monitor mo rin ang reaction mo tuwing may kasamang lalaki ang iyong girlfriend. Tuwing nakakaramdam ka ng selos, subukan mong mag-stepback and pause bago ka magalit at magreact sa sitwasyon. By taking time to pause and reflect, mas mapapakalma mo ang sarili mo at makakareact ka rationally na hindi masasaktan ang girlfriend mo.
Importante ring masabi mo sa girlfriend mo kung anu-ano ang nakakapagpaselos sa iyo at kung saan ito nanggaling pagkatapos mo magself-reflect. It is better if you have a mature talk about this, without accusing or projecting trust and fear issues to anyone. Iwasan mo ring pagbawalan siya sa mga ginagawa niya. This way, mas magkakaroon siya ng space to understand where you’re coming from at mas makakapag isip siya ng mga paraan para matulungan ka.
Good luck!
With love and lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, follow me on Twitter and Instagram: @_ricacruz and www.facebook.com/TheSexyMind
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist and Sex Therapist. She comes out as the Resident Sex Therapist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.