Tuli or not tuli
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Sat, 08 Jun 2019 08:59:43 +0000
Ms. Rica,
I have an eight-year-old son and my brother has been telling me na maybe next summer, time na para magpatuli ‘yung anak ko. I am married to a French guy na hindi circumcised and I only had sexual penetration with him.
Hindi ko tuloy alam kung it will be better to have my child circumcised or not. Apart from sa Philippines ay medyo negative ang tingin sa mga hindi nagpatuli, I want to know if there are pros and cons with his future sexual life with this.
Hope you can help. Thank you so much
Bagger Mom
Hello Bagger Mom,
Totoo ngang merong pre-conceived notion sa society natin regarding circumcision. Nakikita kasi ito as a sign of manhood o pagkalalaki. Pero I have to admire your concern with your son’s future sex life and the decisions you are making for him today.
Madaming mga myths at mga kuwento tungkol sa mga tuli at hindi. Usually ang mga sinasabing dahilan sa pagpapatuli ay usually cultural, religion, or aesthetic.
Pero parehas naming nakakapagbigay ng sexual satisfaction and pleasure ang both cut and uncut na mga ari ng lalaki.
Ang foreskin na tinatanggal during circumcision ay isang highly sensitive na parte ng penis. Maihahalintulad ito sa clitoral hood ng mga babae. Ang difference usually ay nagiging mas mababa ang rates ng UTI, penile cancer, at ilang mga Sexually Transmitted Infections sa mga circumcised men.
Pero siyempre, whether tuli man o hindi ang lalaki, mas mainam pa rin ang paggamit ng proteksyon para makaiwas sa sakit.
Isa pang difference ng dalawa ay mas may tendency na magipon ng smegma ang ari ng isang hindi tuli na lalaki. Normal itong secretion ng ari na maaaring maging mabaho ang amoy kapag hindi nalilinis. Mas madali kasing malinis ang tuli na penis dahil less ang balat na puwedeng pagsingitan ng mga secretion na ito.
Overall, mas magandang komunsulta sa iyong pediatrecian lalo na ang concerned dito ay ang iyong anak. If possible naman na idiscuss mo ito sa iyong anak at makahanap ng decision na pati siya ay may input, mas maganda ito.
Communicating to your children about sex at an early age should not be scary so you can guide them objectively.
Good luck!
With love and lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind or DM me on Twitter or Instagram: @_ricacruz.
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and Sex Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.