Vice Ganda inulan ng batikos

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Mon, 20 May 2019 11:58:28 +0000

 

VICE Ganda (IG)

VICE Ganda (IG)

ANG tindi talaga ng social media. Kaunting salita mo lang yari ka agad sa mga netizens.

Kahit ang sikat na katulad ni Vice Ganda ay hindi exempted dito.

Sa katunayan, inulan ng batikos sa social media kamakailan laamang ang TV host-actor matapos ito mag-post ng: “Andaming nag aaway, andaming galit andaming nagkakagulo sa twitter, sa fb sa ig. Valakayojen!!!! Shopping muna ko. More shoes! More outfit! More fun! My life is sooooo good!”

Kung iisipin, wala naman ito. Simpleng post lang about having fun and enjoying life.

Pero may ilang netizen na hinimay ng husto ang post sabay kastigo kay Vice.

Anila, “insensitive,” “materialistic,” at “self-centered” si Vice.

“This tweet reeks of privilege…. But what do we expect from her,” dagdag ng isa.

Komento naman ng isa pa: “Sobra. Insensitive na, privileged pa. hayy.”

Hindi naman pinalagpas ni Vice ang mga komento.

Aniya, “Nagtweet lang ako ng magshashopping ako sinabihan nako ng mga feeling WOKEng ‘Privileged’! Bakit ako lng ba nakakapagshopping sa buong mundo?”

Diin pa ni Vice: “Sa mga Pilipino di pagiging ‘PRIVILEGED’ ang pagshashopping. Kahit mahirap nasa mall at may binibili. Kaya nga andaming mall sa Pinas dahil trip yan ng mga Pinoy.”

Dagdag pa niya: “You don’t just say or tweet the word EMPATHY. You stand up and help. May mga natulungan na ba kayo? May mga nasagip na ba kayo?”

Ipinagtanggol din si Vice ng kanyang mga supporters. Deserve daw ng kanilang idolo ang mag-enjoy at gamitan ang pera dahil pinaghirapan niya ito.

Ano sa tingin ninyo? (DELIA CUARESMA)

http://tempo.com.ph/feed/