Julia Barretto, mahilig sa bata
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 08 May 2019 11:34:54 +0000
NOT the marrying type ba si Julia Barretto o takot lang siya magpakasal? Sa guesting niya sa “Magandang Buhay,” sinabi ni Julia na mahilig siya sa bata at gusto niyang magkaroon ng maraming anak.
Mas excited siyang isipin ito kesa mag-asawa. So, mas gusto niyang maging ina kesa maging legal wife?
Okay naman kaya kay Marjorie Barretto ang magka-apo ng marami kay Julia kahit hindi pa ito kasal?
AYAW
Hindi pa handang makatrabaho muli ni Barbie Imperial si JM de Guzman. Hindi pa rin siya handang maging magkaibigan sila. Sobrang nasaktan si Barbie sa nagkalabuang relasyon nila ni JM. Pinaasa lang kaya siya nito?
Sa guesting ni Barbie sa “Tonight with Boy Abunda,” aniya, nagkatagpo ang mga landas nila ni JM sa panahong parehong wasak sila. Kabi-break lang nila ni Paul Salas. Si JM naman ay may pinagdaraanan pa rin pagkalabas nito ng rehabilitation center.
Noong nagkatrabaho sila sa isang serye, naging comfort nila ang isa’t isa. Dahil pareho silang wasak, may mga bagay-bagay na hindi nag-work sa binubuo nilang relasyon.
Sa “Kiss, Marry Me, Kill” portion, ipinakita ang pictures nina JM, Paul at Railey Santiago na mga na-link kay Barbie. Tinanong siya ni Boy Abunda kung sino sa tatlo ang iki-kiss, ime-marry at iki-kill niya. “Iki-kill ko silang lahat!” sagot ni Barbie. Bitter pa rin?
WALANG PAKIALAM
Nali-link ngayon si JM kay Ria Atayde at huwag naman sanang matulad sa naging relasyon nina JM at Barbie. Sa isang interbyu, mukhang nagbigay ng pag-asa si Ria kay JM, sakaling i-pursue nito ang panliligaw.
May pahayag naman si Sylvia Sanchez, ina ni Ria na hindi siya nakikialam sa lovelife ng mga anak niya. Hindi pa rin naipapakilala sa kanya ni Arjo si Maine Mendoza. Maski si JM, hindi pa rin nami-meet ni Sylvia.
DI NA BABALIK
Fake news ang pagbabalik ni John Lloyd Cruz sa “Home Sweetie Home.” Sa pag-reformat ng sitcom, may mga nawala sa original cast, may mga bagong nadagdag.
Pero walang magbabalik. Sa commercial lang nagbalik si JLC.