Arra San Agustin’s charm kakaiba
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Tue, 07 May 2019 09:42:13 +0000
IBA rin ang angking charm nitong si Arra San Agustin.
Inosente ang mukha pero very sexy at alluring ang dating.
Marami nga ang baliw-baliwan sa kanyang mga fans ng “Bubble Gang” kung saan isa siya sa mga resident beauties.
Hindi biro ang mapansin sa show huh?
Marami rin kayang sexy at magagandang girls doon.
Pero iba si Arra, eh.
Tulad nga nitong huling mga post niya sa Instagram. Aba’y talaga namang hindi ka mananawang tumitig sa kanyang alindog.
Ang ilan sa mga litrato ay kuha sa Boracay kung saan nag-working vacation kamakailan ang actress-model.
Pero hindi lang puro ganda si Arra. Take note, may ibubuga rin ito sa acting.
Pinamalas niya ito sa “My Special Tatay” kung saan nakipagtagisan siya ng galing sa pag-arte kay Ken Chan at Rita Daniela.
Ika nga ni Ken nu’ng makausap namin, “Tahimik lang si Arra pero passionate ‘yan sa kanyang trabaho. Never pumupunta sa set ‘yan nang hindi handa.”
Dahil anak-mayaman akala ni Ken ay snob si Arra. Nagkamali siya.
“Very down-to-earth siya, marunong makisama, mabait,” sey ni Ken.
Marami ang naniniwala na given the right break eh, sisikat at sisikat itong si Arra.
Naririnig kaya ng GMA7? Charot! (DELIA CUARESMA)