Hormone therapy
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Fri, 03 May 2019 06:38:11 +0000
Magandang Araw Ms. Rica,
Ako ay isang babae na trapped sa katawan ng isang lalaki. At isa akong cross-dresser. Although wala pa naman akong balak na tuluyang magpa-sex change, ako ay nakyu-curious sa pagte-take ng birth control pills para sa akin. Gusto ko sanang maging mas educated tungkol sa effects nito sa aking katawan at kung ano ba ang puwede kong i-expect sa gagawin kong ito.
Gusto ko lang itong gawin to feel more like a woman at kung meron itong effects na makakapagbigay sa akin ng more female-like characteristics, then masasabi kong excited ako sa thought ng pagpi-pills.
Maraming Salamat,
Pildora the Explorer
Magandang araw din sa iyo, Pildora the Explorer,
Mabuti ang iyong ginagawa na pagtatanong muna rather than direktang pagsubok na ng pills at pagtitingin kung ano nga ba ang magiging epekto nito sa iyo matapos mo itong inumin. Masasabi kong pinakamainam pa rin ang komunsulta sa iyong health care provider. Pero as per effects of birth control, kailangan muna natin himayin kung ano ang mga available at kung ano ang ginagawa nito sa katawan.
Una, hindi lahat ng birth control ay pare-pareho. Ang hormonal birth control pills ay may iba’t-ibang level ng synthetic hormones na estrogen o progestin na nagre-regulate ng menstrual cycle. Usually, hindi ito ginagamit upang mag-induce ng pagkakaroon ng mas feminine feel or effect. Merong mga forms of estrogen na puwedeng i-prescribe para sa hormonal therapy o pag-a-adjust ng testosterone levels sa katawan.
Regular physical exams and blood tests ang mga critical na dapat gawin upang ma-monitor ang kidney, liver, cholesterol, at iba pang aspeto ng iyong katawan kapag may hormone therapy. Ang estrogen din kasi ay nakakapagpataas ng risk ng high blood, blood clot, liver problems, stroke, or diabetes.
Although kulang ang research sa epekto nito sa kalalakihan, mainam pa rin ang maging maingat. Ang gender identity ay unique sa lahat ng tao. Marami ring mga paraan to explore and understand your feminine side. Piliin mo kung ano ang pinakamainam para sa iyong purpose. Good luck, enjoy and always be safe.
With Love and Lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind or DM me at IG and Twitter @_ricacruz.
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and, Sex and Relationships Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.