Practice safe sex

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Tue, 23 Apr 2019 12:16:46 +0000

 

rica cruz - sexy mind answers

Hi Ms. Rica,

Ano po ba ang gonorrhea? Pareho po ba ito ng “tulo?”

Asking for a Friend

 

Hello Asking for a Friend,

I’m glad that you’re asking about gonorrhea to know more about it. Ang gonorrhea ay tinatawag din nating ‘tulo’ in Filipino. It is a sexually transmitted infection (STI) caused by the bacteria Neisseria gonorrhoeae. Usually, naipapasa ito during sexual encounters kapag may contact ang mucous membranes through vaginal, anal, or oral sex. Pwede rin ito maipasa sa baby during childbirth. Pero, HINDI ito naipapasa through normal, casual contact katulad ng pagshare ng tuwalya, holding hands, kissing, o kahit pagupo sa toilet seat.

Ang paglabas ng sintomas ng gonorrhea kapag na-infect ang isang tao ay nagiiba depende sa kasarian (or sex assigned at birth) ng isang tao. Though, madalas ay walang nararanasan na symptoms ang mga taong infected ng gonorrhea, dahil pwede itong maging asymptomatic. Kaya mahalaga ang pagkakaroon ng regular check up or STI testing lalo na kung ikaw ay sexually active at mayroong maraming partners.

Para naman sa mga symptomas na pwedeng maranasan, iba iba ang pwede mong maramdaman depende kung ikaw ay babae o lalake sa pagkapanganak.

Sa mga lalaki: Pwede kang makaexperience ng yellow, white or greenish discharge from your penis. Pwede ring maging mahapdi ang iyong pag-ihi. Mayroon ding pwedeng pamamaga near the urethra or the testicles. Kapag pinabayaan ang gonorrhea, pwede itong maging epididymitis na pwedeng maging sanhi ng infertility.

Sa mga babae: And urethra or cervix ay pwedeng maapektohan. Minsan, kahit na may infection dito ay hindi ito napapansin. Ang ibang symptoms naman ay ang pagkakaroon ng hindi normal na yellow or bloody discharge, masakit na pagihi, pain during sex, or pagkasakit ng puson. Kung hindi maaagapan, pwedeng maging pelvic inflammatory disease (PID) ang gonorrhea infection.

Kung nakuha mo ang gonorrhea through oral sex, symptoms include having a sore throat, swollen lymph nodes near the neck, or pwede ring walang symptoms at all. Kung nakuha mo ito through anal sex, pwede kang makaramdam ng inflammation of the anus, greenish or bloody discharge, or pagkaka-kati ng pwet.

Ang pagkakaroon din ng gonorrhea ay nakakataas ng iyong risk ng pagkaka-infect with HIV. On that note, mas makabubuti kung iiwasan na lang ang pagkakaroon ng gonorrhea. Prevention is key! Magpractice ng responsible sex at gumamit ng condom tuwing makikipagtalik!

With love and lust,

Rica

If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me atwww.facebook.com/TheSexyMind and follow me on Twitter and IG @_ricacruz

Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and, Sex and Relationships Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.

 

http://tempo.com.ph/feed/