Walang simpatiya
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Fri, 05 Apr 2019 12:46:45 +0000
WA keber ang aktor na si Polo Ravales sa mga kapwa artista na nasasangkot sa mga video scandal.
Ni awa or pangunawa hindi niya kayang ibigay sa mga ito.
Ayon kay Polo, at agree naman kami, na these people should know better.
“Wala akong sympathy sa kanila. None. You should be really responsible. Nag-video ka e,” ani Polo sa isang report sa Pep.
Inexample pa ng aktor ang sarili.
“Wala akong ganoon. Kung meron, e, di sana lumabas na, di ba? Maingat ako,” diin niya.
Nang tanungin naman siya ukol sa diumano’y 31 artistang nasa drugs watch list ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.
Ayon sa aktor, pabor siya na pangalanan ang mga ito.
“Kung politicians at pulis pinapangalanan, bakit hindi ang mga artista? Ako kasi, drug-free talaga ako. Kahit noong bata ako, hindi ako gumagamit ng illegal drugs,” ani Polo.
Taliwas ito sa gustong mangyari ni JM de Guzman na hiling ay kung maari huwag pangalanan ang mga ito.
“I think, alam naman po ng PDEA that they have to protect the names. Maraming mada-down,” sey ng aktor sa isang separate Pep report.
Hmmm, ano sa tingin ninyo? (DELIA CUARESMA)