Gretchen, Claudine not invited

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Mon, 25 Mar 2019 16:00:21 +0000

timing box

 

 

 

HINDI imbitado sina Gretchen at Claudine Barretto sa kasal ng pamangkin nilang si Dani, anak ng kapatid nilang si Marjorie.

Hindi naman siya pupunta kahit invited pa sila, ayon kay Gretchen.

CLAUDINE and Gretchen Barretto

CLAUDINE and Gretchen Barretto

For sure, hindi rin invited si Kier Legaspi, ama ni Dani. Ani ni Dani, ang mommy Marjorie niya ang maghahatid sa kanya sa altar.

Hindi nauubusan ng kontrobersiya ang Barretto sisters. Kahit wala silang ginagawang teleserye o pelikula, in the news sila parati.

Magkakampi ngayon sina Gretchen at Claudine laban kay Marjorie. May kanya-kanya ring kinakampihan ang iba nilang kapatid. Ganoon din ang kanilang parents na hindi pa rin sila nagkakaayos ni Gretchen.

Just curious, kumusta naman kaya ang relasyon ng respective children nina Gretchen, Marjorie at Claudine? May iringan din kaya ang magpipinsan o kampi-kampi rin sila dahil sa hindi maayos na relasyon ng respective mothers nila?

 

CHRISTINE Reyes

CHRISTINE Reyes

CIVIL

Echa-puwera si Ali Khatibi sa mga exe’s ni Cristine Reyes na ipinakita ang mga larawan sa “Tonight with Boy Abunda.” Ni banggit ng name ni Ali, waley.

Sadya kayang ni-request ‘yun ni Cristine o desisyon ‘yun ng production staff?

Unang ipinakita ang picture ni Richard Gutierrez, pero ani Cristine, hindi niya ito naging boyfriend. Sumunod na picture ay kay Dennis Trillo na ani Cristine, “my ex.”

Ganu’n din ang sinabi niya nang ipakita ang pictures nina Rayver Cruz at Derek Ramsay.

 

RIA Atayde (IG)

RIA Atayde (IG)

BOTO

Botong-boto si Ria Atayde kay Maine Mendoza for her brother Arjo. Nakikita at napi-feel daw niya ang pagmamahal at importansiyang ibinibigay ng mga ito sa isa’t isa.

Ilang beses nang nagkita sina Maine at Ria na aniya, ang bait-bait at kalog si Maine. Ayon pa kay Ria, nakikita niya ang kakaibang saya sa puso ni Arjo at sobrang inspirado ang kapatid niya. In love, eh

http://tempo.com.ph/feed/