Ang pagkapanot at amoy ng tae

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 20 Mar 2019 16:00:22 +0000

 

alex calleja

ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o mala-king problema, lahat dito, pantay-pantay! Hu­wag niyo nga lang seseryo­sohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

*  *  *

Hi Alex,

Napapansin ko na na­papanot na ako. Lu­malapad na ang noo ko dahil sa pagkapanot ng buhok ko. Malaki ang epekto sa akin ng pag­kapanot. Nakakawala ng self-confidence at nagmumukha akong matanda. Mahal naman ang hair transplant at hindi naman effective ang mga hair-growth shampoo. Ano ba ang mga dapat kong gawin?

Norman ng Makati

 

Hi Norman,

Wala kang pera sa hair transplant? Wala kang tiwala sa hair-growth shampoo? Akong bahala sa’yo! Ito ang gawin mo. Ahitin mo ang kilay mo, tapos magpa-tattoo ka ng bagong kilay pero itaas mo ng konti. Bakit mo itataas? Para hindi na mapansin ang malapad mong noo at hindi na halatang panot ka! Subukan mo at sabihin mo sa akin kung nagustu­han mo!

*  *  *

Hi Alex,

Napapanuod ko sa mga pelikula na kapag tumulong ka sa mga pulubi, baka ermitanyo ito at pwede kang gan­timpalaan. Pwedeng bigyan ka ng agimat o kaya kayamanan. Gus­to ko magka-agimat o kaya yumaman! Saan ko kaya makikita ang mga ermitanyo na nag­papanggap ng pulubi?

Wency ng Navotas

 

Hi Wency,

Ang ibig mong sabi­hin, kaya ka tutulong sa mga pulubi dahil baka ermitanyo sila at pwedeng mabibigyan ka ng kaya­manan o agimat! Hindi ka karapat-dapat dahil masama ang intensyon mo!

Dapat malinis ang iyong puso! Saka nagpapani­wala ka eh sa modernong panahon ngayon, hindi na totoo yan! Kung gusto mo magka-agimat o yumaman, maghanap ka ng nuno ng punso, may dwendeng nakatira dun, mag-alay ka ng pagkain! Kung walang dwende dun, baka may dumaan na pulubi, matu­tuwa sa’yo yun! Malay mo, ermitanyo pala siya!

*  *  *

Hi Alex,

Nagpacheck-up ako at humingi sa akin ang doctor ko ng stool sam­ple o tae. Binilin niya sa akin na kailangan ang stool ko eh hindi lalagpas ng isang oras. Kapag lumagpas, hindi na siya pwede. Paano kaya nila nalalaman na lagpas na sa isang oras ang tae?

Terry ng Alabang

 

Hi Terry,

May nurse na naka-as­sign para malaman kung pasok o lagpas sa isang oras ang tae. Inaamoy niya ito at dun niya nala­laman kung lagpas na sa isang oras. Yun lang ang trabaho niya! Ang saya di’ba!

*  *  *

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alexcalleja1007@yahoo.com facebook/twitter/ins­tagram: alexcalleja1007

http://tempo.com.ph/feed/