Mahilig ako sa baboy

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 13 Mar 2019 16:20:49 +0000

 

alex calleja

ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o mala-king problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

*  *  *

Hi Alex,

May asawa po ako at sampung taon na kaming kasal. Mahilig po akong kumain ng baboy kaya ngayon ay high blood na ako. Madalas pa kaming nagtatalo ng mister ko kaya lalo akong naha-high blood. Dahil dito ay bumili ako ng sphygmomanometer o yung machine na kumuku­ha ng blood pressure. May mga nagsasabi sa akin na maganda kumuha ng blood pressure sa umaga, meron naman sa tanghali, ang iba naman sa gabi. Kelan ba talaga maganda kumuha ng blood pressure?

Nancy ng Cubao

 

Hi Nancy,

Bago ko sagutin ang tanong mo kung kelan maganda ku­muha ng blood pressure, papa­yuhan muna kita na kumain ng tama, mag exercise at iwasan ang stress. Kung gagawin mo ito, hindi mo na kailangan kumuha ng blood pressure. Ngayon, sasagutin ko kung kelan dapat kumuha ng blod pressure! Kapag wala ang mister mong pasaway para hindi ka high blood! Yun ang tamang panahon!

*  *  *

Hi Alex,

Nakita ko po ang Fa­cebook ng mister ko at napansin ko na ang dami niyang friends na babae. At halos karamihan dito, magaganda at sexy! Hindi ko rin sila kilala kaya hindi ko alam kung bakit sila kilala ng asawa ko! Ano kaya ang dahilan kung bakit maraming friends na babae ang mister ko?

Linda ng Makati

 

Hi Linda,

Ang dahilan kung bakit maraming friends na babae ang mister mo sa Facebook eh dahil malamang na-hack ang Facebook niya. Sabihin mo ito sa mister mo para malaman niya. Kung hindi na-hack, eh malamang friendly lang talaga ang mister mo kaya madami siyang friends na babae. Re­lax ka lang dahil kahit ako, friendly rin!

*  *  *

Hi Alex,

Madalas akong nakasa­patos at kapag naghubad ako ng sapatos eh naamoy ko ang paa ko. Mabaho ang amoy ng paa ko kaya medyo nag-aalala ako. Ginawa ko na ang lahat pero ayaw niyang mawala! May maipapayo ka ba para mawala ang mabahong amoy ng paa ko?

Jun ng Malate

 

Hi Jun,

Dahil ginawa mo na ang lahat, ito ang maipapayo ko para mawala ang mabahong amoy ng paa mo! Suminghot ka ng alikabok o kaya pa­minta hanggang mahatsing ka. Siguradong sisipunin dahil sa paghatsing mo! Kapag may sipon ka na, hindi mo na maaamoy ang mabaho mong paa!

*  *  *

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alexcalleja1007@yahoo.com facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007

http://tempo.com.ph/feed/