Claudine, may utang kay Jinkee?
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Sat, 09 Mar 2019 09:05:11 +0000
NAKU! Mukhang napasama ang desisyon ni Claudine Barretto na maging visible uli of late.
May kumakalat kasi na balita na may utang ito kay Jinkee Pacquiao.
Nagsimula umugong ang tsismis makaraang makipagbati itong si Claudine sa kapatid na si Gretchen Barretto.
Ilang taon din estranged ang dalawa at marami ang natuwa nang magpost ang mga ito ng mga litrato sa social media kung saan masayang magkasama sila.
Pero dahil dito, naungkat ang tsismis na utang ni Claudine kay Jinkee.
Ayon sa sa mga beteranong showbiz personalities na sina Cristy Fermin at Lolit Solis, diumano lumapit itong si Claudine kay Jinkee upang humingi ng tulong pinansyal na pinaunlakan naman ng huli.
Pero ‘yung nga lang daw mukhang nakalimot na itong si Claudine na balikan si Jinkee.
Hindi naman nabanggit nina Cristy at Lolit kung magkano at kung kailan exactly nangutang ang aktres kay Jinkee.
Wala pa ring statement si Claudine o si Jinkee tungkol dito.
Abang abang na lang tayo sa reaksyon nila.
Kaloka! (Delia Cuaresma)