JK Labajo minura ang fan

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Fri, 08 Mar 2019 14:30:27 +0000

 

 

JUAN Karlos Labajo

JUAN Karlos Labajo

INIS na inis daw itong si Juan Karlos “JK” Labajo nang tumugtog sa unang gabi ng “Rakrakan 2019: 2 Days of Love, Peace & Music” sa Circuit Makati.

Sa sobrang inis nga daw ay napamura pa ito!

Jusme! Ano na ba ang nangyari sa batang ito? Dati ay napaka-wholesome nito hindi ba?

Umakyat na ba sa kukote niya ang kasikatan ng kanyang kantang “Buwan?”

Binibitin kaya siya ng diumano’y syotang si Maureen Wroblewitz?

Well, ayon sa mga nakapanood, may sapat na dahilan itong si JK na mawala sa mood.

Ang siste kasi, habang kinakanta daw nito ang hit niyang “Buwan” merong isang fan na sigaw ng sigaw ng pangalan ni Darren. Yes, as in Darren Espanto, ang singer na ka-batch din nitong si JK.

Si Darren din ang naka-away ni JK ilang buwan na ang nakalilipas matapos diumanong tawaging bakla nitong huli ang una sa social media.

Anyway, balik tayo sa concert.

Nang sumigaw na daw ng “I love you, Darren” ang fan, doon na tuluyang napikon si JK.

Sabi ng singer, “Ay! Kami nga pala ang Juan Karlos.

“Ako nga pala si JK… Ito nga pala si… put**g ina mo!

“Tigilan mo na ‘yan. Ayokong marinig ‘yang pangalan na ‘yan! Nakakabuwisit!”

“Ikaw yung put**g inang sigaw nang sigaw, kanina ka pa!”

Hindi pa nasiyan, nag-dirty finger pa si JK sa pang-asar na fan.

Rock star na nga ba si JK?

Nag-react ang binata sa mga paratang sa kanya at diumano’y “unfair” ito.

Sa inis nga ay isinara na ni JK ang kanyang Facebook at Twitter accounts.

Rakenrol! (DELIA CUARESMA)

http://tempo.com.ph/feed/