Coco, nasaan ka?

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Thu, 07 Mar 2019 12:53:25 +0000

timing box

 

 

 

NASAAN nga ba si Coco Martin? Narito ba siya sa Pilipinas o nasa ibang bansa?

May tsikang diumano, nasa Germany si Coco at dinalaw ang rumored girlfriend niya na si Julia Montes.

COCO Martin

COCO Martin

Nag-post si Coco sa socmed ng isang photo na tingin ng netizens ay kuha sa Switzerland. Malapit lang ‘yun sa Germany, kaya ispekulasyon nila’y baka puntahan ni Coco si Julia doon.

Matagal nang naroon ang aktres na diumano, inaayos nito ang mga dokumento para makuha ang Ger­man citizenship. German ang father ni Julia at doon naninirahan.

Kahit pinabulaanan na ni Julia, hindi pa rin “mamatay-matay” ang isyung diumano’y buntis siya at doon daw nanganak. Diumano, nakatakdang bumalik ito sa Pilipinas next month, kaya abang-abang na lang.

 

UMIYAK

BEA Alonzo

BEA Alonzo

Sina Richard Gutierrez at Ian Venera­cion ang mga kasama ni Bea Alonzo sa upcoming teleserye niya sa ABS-CBN. Next month magsisimula ang taping.

 

Ani Bea, nagte-training sila para sa kanilang respective characters na gagampanan. Medyo physical ang training na ayaw niyang mag-spoil­er kung bakit at ano’ng tema ng upcoming teleserye at kung ano’ng role niya.

Naikuwento rin ni Bea na super stressed siya habang ginagawa niya ang “Ee­rie,” her first horror movie. Muntik na siyang mag-walkout sa isang eksena sa sobrang takot.

Super dilim ang daraanan niya na flash­light lang ang hawak niya. Hindi alam ni Bea na may mga inilagay na iba’t ibang elemento si Direk Mikhail Red para maging natural ang reaction niya. Ani Bea, napaiyak siya talaga sa ta­kot. In real life, matatakutin talaga siya, anang aktres.

 

GABBY Concenpcion

GABBY Concenpcion

EXCITED

Looking forward na si Gabby Con­cepcion sa kanyang summer vaca­tion. Ipinaayos na niya ang beach house niya sa Batangas para doon siya makapag-relax. Beach person ang aktor.

Hobby din niya ang fishing, kaya aniya, excited na siyang mangisda. May up­coming rom-com se­ries siya sa GMA7 with Jennylyn Mer­cado.

http://tempo.com.ph/feed/