Kris Aquino nightmare para sa producer
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Thu, 28 Feb 2019 13:09:14 +0000
GANITO nga kung i-describe ng producer na si Rhodora Pascual Morales si Kris Aquino pagkatapos nilang magkatrabaho noon sa travel show nito na “Trip Ni Kris.”
Kung matatandaan ay may mga sinabing hindi maganda si Kris laban kay Rhodora o mas kilala bilang Doray at sa anak nito na si Renan Morales.
Isa sa naging reklamo raw ni Kris sa production ni Doray ay na-delay daw ang bayad nito sa kanya. Nagulat daw si Doray na nanggaling ito sa bibig ni Kris pagkatapos niyang pagbigyan ito na magkaroon ng TV special.
“Bakit siya nagsinungaling na hindi ako nagbayad, eh, advance yung bayad ko sa kanya? And nalaman ko, sobrang malaki yung hiningi niyang bayad sa akin. More than sa iba na ibinayad sa kanya,” diin ni Doray.
Binayaran daw ni Doray si Kris ng tumataginting na P6 million samantalang yung iba raw ay P2 million ang bayad kay Kris.
“Marami akong ebidensiya na bayad siya.” paniguro ni Doray na gumastos ng higit sa P20 million s a pinakiusap na travel show ni Kris.
Dahil sa paninira raw ni Kris sa kanya, hindi na tinuloy ni Doray ang i-produce ng daily ang travel show.
“Nawalan ako ng gana. Alam mo, hindi sukatan ang pera sa tao na maging kaibigan mo. Just be natural and you be honest, yun lang.”
“Ngayon na lang ako nagsalita. I kept quiet. I kept silent and my family.”
Tungkol naman sa mga sinabi ni Kris laban sa anak niyang si Renan, wala rin daw katotohanan ang claim ni Kris na hinahabol siya ni Renan. Si Kris daw ang nagkaroon ng crush kay Renan.
“Hindi naman humahabol ‘yung anak ko sa kanya. Excuse me, napakaguwapo nun at moneyed. Kasi crush niya ‘yung anak ko. Guwapong bata, nakita niya naka-Lamborghini, naka-jet, naka-helicopter.”
Kapag nakikita raw ni Doray si Kris sa TV…
“Nightmare siya sa akin! ‘Pag nakita ko nga sa TV, pinapatay ko.”
Hindi raw takot si Doray sa anumang koneksyon ni Kris sa social media.
“Eh, di i-bash nila. Eh walA naman ako pakialam dun. Nagpo-produce lang ako ng kuryente, tumutulong naman ako sa karamihan.” (RUEL J. MENDOZA)