Glaiza, nagtaray!
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 27 Feb 2019 13:25:27 +0000
MAY nasagap kaming balita kamakailan ukol sa aktres na si Glaiza de Castro.
Ayon sa aming source, nagtaray daw ito sa isang golf course.
Bakit?
Well, ani ng aming source, nag-init daw ang ulo nitong si Glaiza nang di inaasahang mapagkamalang si Ryza Cenon.
Ganun?
Eh, hindi ba madalas naman magkamali ang mga tao sa kanila dahil magkahawig nga? Dati pa nga eh kay Angel Locsin siya na-ihahambing. Nagkaroon lang nang malinaw na delineation ika nga noong sumikat ng tuluyan itong si Angel at iwanan sila ng milya-milya.
In any case, ayon sa aming source, staff daw sa naturang golf course ang tinarayan nitong si Glaiza.
Nagkataon kasi pumunta ang dalaga sa golf course kasama ang natsi-tsismis na foreigner boyfriend niya.
Siguro dala ng excitement, lumapit daw itong staff kay Glaiza para magpa-picture.
Ang siste, nang kinalabit niya ito, nagkamali siya ng tawag!
Ang sabi daw eh: “Ma’am Ryza, puwede po magpa-picture?”
Nilingon naman daw ito ni Glaiza pero hindi nakangiti.
Ang sabi lang ng aktres, “Ay sori, hindi ako si Ryza,” sabay talikod.
Ani ng staff, honest mistake daw iyon dahil madalas din si Ryza maglaro ng golf doon.
Hay naku, true kaya ito? Anong sey mo rito Ryza, este, Glaiza? (Delia Cuaresma)