Managing monthly period
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Sat, 23 Feb 2019 08:59:06 +0000
Ma’am Rica,
Simple lang po yung tanong ko. Kasi yung PE ko ngayon ay swimming. Ano po ang gagawin kapag nagsabay yung period ko kapag requirement or practical exam namin magswim? Meaning wala po akong choice at kailangan magswim kahit namay mens ako. Hindi din po ako nagtatampons kaya medyo challenging. Salamat,
Freshman
Dear Freshman,
Wag kang mag alala, hindi ka nag-iisa sa problema mong ‘yan. Maraming mga babae aang hindi gumagamit ng tampons at mas gumagamit pa rin ng napkin. Marami na ring mga estudyanteang napagdaanan ang ganyang sitwasyon. Usually naman ay tumitigil ang blood flow kapag nasa loob ka na ng tubig, pero pag-ahon mo ang magiging problema. May iba’t ibangparaan para makapagswim pa rin kahit na buwanang dalaw mo.
Merong tinatawag na menstrual cup na re-usable. Medyo mahal nga lang ito dahil nga hindi siya disposable. Ito usually ang nakikitang mas environmentally friendly na option dahil walang buwanang waste na nagiging result.
On the other hand, meron ding tinatawag na period proof swimwear. Ito ay designed na may absorption material or holders para magstay ang napkin in place. Kung heavy ang iyong flow, puwedeng gamitin lang ito right before you swim then change na lang agad.
Kung hindi uubra sa iyo ang mga methods na ito, subukan mong makiusap sa iyong prof na baka puwedeng sa ibang schedule ang iyong swim. Usually naman ay flexible ang mga instructors and familiar sila sa situation na ganito.
Iba’t iba ang preferences ng bawat individual in how to manage their monthly period. Choose one that is convenient and comfortable for you. Huwag ka ding mahihiyang magconsult sa iyong OB or physician at maaaring may iba pang options na possible for you.
With love and lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind.
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and, Couples and Sex Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.