Fil-Am wagi sa Grammys
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Tue, 12 Feb 2019 16:00:04 +0000
ANG R&B singer-songwriter na si H.E.R. na may dugong Pinoy ay nanalo ng dalawang award sa 61st Grammy Awards na ginanap sa Staples Center in Los Angeles, California.
Si H.E.R. (Having Everything Revealed) ay Fil-American music artist at napanalunan nito ang Best R&B Performance (“Best Part”) at Best R&B Album.
Si H.E.R., na ang tunay na pangalan ay Gabriella “Gabi” Wilson, ay nakakuha ng limang Grammy nominations para sa debut album niya na “H.E.R.”
Nominated din si H.E.R. as Best New Artists, Best R&B Song (“Focus”) at Album of the Year kunsaan nakalaban niya sina Cardi B., Drake, Brandi Carlile, Post Malone, Janelle Monae, Kacey Musgrave at “Black Panther: The Album.”
Lumaki si H.E.R. sa San Francisco Bay Area to a Filipino mother and African-American father. Pinalaki si H.E.R. na alam ang kulturang Pinoy at inspired ang music niya sa values na tinuro sa kanya ng kanyang ina.
Unang lumabas bilang child prodigy si H.E.R. sa “Today Show” dahil sa pag-awit nito ng mga songs Alicia Keys. At age 12 ay nakipag-compete si H.E.R. sa Radio Disney’s “The Next BIG Thing.”
2016 nang ilabas ang debut album niya na “H.E.R. Vol. 1” at nasundan ito ng “H.E.R. Vol. 2” at “H.E.R Vol 2: The B Sides” in 2017. At “I Used To Know Her: The Prelude” and “I Used To Know Her: Part 2” in 2018.
Ang pagka-describe ng Apple Music sa songs ni H.E.R. ay “downcast post-breakup material that sounded vulnerable and assured at once.” (RUEL J. MENDOZA)