Vaginitis
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Tue, 12 Feb 2019 10:59:25 +0000
Hi Ms. Rica,
Nakipag”relasyon” po ako after one night na nag meet kami. Ngayon po ay medyo may nararamdaman po akong makati tapos may puti at medyo yellow na lumalabas. Pag inamoy ko po ay mabaho at maasim! Natatakot po akong magpatingin sa doctor. May sakit po ba ako?
Unprotected
Hello Unprotected,
Nakakatakot talaga if you feel something different with your body lalo na after a one night stand. Hindi mo kasi alam kung anong meron siya na baka ay nakuha mo rin. Pero normal lang para sa isang babae ang makaranas ng iba’t ibang discharge due to infection lalo na kung sila’y sexually active.
From your description, it sounds like you may have an infection down there. Normal lang na magkaroon ng discharge ang mga babae. Usually, normal discharge is clear or white in color, and sometimes, pwede ito maging yellowish white pag nagdry sa iyong underwear. Pero, if it looks yellow, green, or gray pwede itong sign na may irritation or infection. Most of the time din, your discharge has a very mild scent or minsan pwede ring walang amoy. Pero kung sabi mo ay may strong scent ito na maasim, pwede rin itong sign ng infection.
Common infections associated with abnormal discharge include bacterial vaginosis (BV), yeast infections, and trichomoniasis. Irritations naman can be caused by sex, allergies, or mga matatapang na sabon. Kung ang discharge mo ay may kasamang pangangati at pain when urinating, pwede ito maging sign ng vaginitis o irritation or infection of the vagina na pwede mo ngang makuha from your one night stand. Dahil madaming pwedeng maging cause ng vaginitis, kailangan talaga ay makapunta ka sa iyong doktor. Huwag kang matakot pumunta sa doktor. Wala namang dapat ikahiya o ikatakot sa pagpunta sa kanila. Sila pa nga ang makakatulong sa iyo para magamot ang infection mo (kung mayroon man).
Moving forward, I suggest that you use protection tuwing makikipag-sex ka. Lalo na kung hindi mo kakilala nang lubusan ang makakasexy time mo. It is vital that you protect yourself from sexually transmitted infections whenever you have sexual relations. Kapag sure ka na you’re protected, less ang chance na magworry sa infections at mas maeenjoy mo ang iyong sarli!
Hope this helps!
With love and lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, follow me on Twitter and Instagram: @_ricacruz and www.facebook.com/TheSexyMind
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist and Sex Therapist. She comes out as the Resident Sex Therapist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.