Diego, type si Antonio
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 06 Feb 2019 16:20:06 +0000
NASULYAPAN ng TEMPO ang tinaguriang Pambansang Bading na si Diego Llorico sa audition ng “Starstruck” sa GMA-7, kamakailan.
Si Diego ay identified sa gag show na “Bubble Gang” na 23 years nang umeere sa TV. Siya ang laging may eksenang pinupukol ng katatawanan at may segment na “Atlit.”
Nag-umpisa siya sa Viva at nagka-showbiz career sa TV 5 sa musical sitcom na “Vina.”
Nagkaroon ng project ang Viva sa GMA-7 at nakilala niya doon si Rams David na noong panahon ay Program Coordinator ng GMA-7.
Bilang AB Masscom graduate, nag-start siya bilang Production Assistant bago siya napansin at ipinasok sa “Bubble Gang.”
Idolo niya sila Michael V at Roderick Paulate na pawang mga magagaling na komedyante.
Natanong ng TEMPO kung naghahangad pa ba siyang pumalo ang showbiz career. “Actually, hindi, hindi ko naman iniisip ‘yun atsaka hanggang ngayon hindi ko naman iniisip na artista ako kapag may nag-i-interview lang. Mas okay ako sa likod ng camera dahil nagwo-work din ako behind the camera,” sagot ni Diego.
Sa TEMPO lang inamin ni Diego na naging crush niya si Antonio Aquitania na kasamahan niya sa “Bubble Gang.” “Brusko, macho at lalaking-lalaki ang hitsura niya,” paglalarawan pa ni Diego.
Shinare rin ni Diego na simpleng tindero lang siya ng bibingka sa Malibay dati.
Inamin ni Diego na there was a time na binubully siya pero hindi niya ito tini-take seriously.
Iba na raw ang trato sa kanya ng mga tao ngayon, more on respect na.
Hindi pabor ang komedyante sa mga sumasawsaw sa social media kapag may issue ang isang tao. “Sa mga nagko-comment sa social media na hindi naman nila personally kilala yung tao, ang pangit, hindi makatao yun. Nanghuhusga tayo ng tao nang hindi naman natin kilala. Ayoko nun,” saad ng komedyante.
Nagbigay din siya ng advise sa mga komedyanteng gustong pasukin ang showbiz. “Maging totoo lang kasi mahirap kasing magpatawa kesa magpaiyak, at always be nice to everyone, palaging may smile,” pagtatapos ni Diego. (DANTE A. LAGANA)