Angel, ayaw pumatol

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Thu, 31 Jan 2019 16:30:54 +0000

 

ANGEL Locsin

ANGEL Locsin

AMINADO si Angel Locsin na marami ang pumupuna sa katawan niya na kesyo malayo na daw ito sa dati at medyo may katabaan na siya.

Pero wala raw siyang pakialam dito. Sa totoo nga daw ay naaawa pa siya sa mga body shamers na ito.

Aniya sa interview niya on “Tonight with Boy Abunda,” “Kung iisipin mo, maaawa ka doon sa tao, kasi anong klaseng person ka para magawa mo ‘yon? Perfect ka? Hindi mo na lang papatulan.”

Dagdag pa ni Angel, “May mga bagay kasi na hindi mo dapat gawin sa kapwa mo. Kung ang taong ito comfortable siya sa ginagawa niyang ‘yan, ayaw ko mag-deal sa mga ganu’ng klaseng tao.”

Bonnga ‘diba?

Hindi pa natapos ang himutok ni Angel doon.

Pasaring niya pa sa mga tinatawag na body shamers, “Ako, wala akong problema. Bakit ikaw ang dami mong isyu? Ako nga, walang isyu, eh. Katawan ko ‘to, ako ‘to, sarili ko ‘to. Eh, ikaw, okay ka ba?”

Hihirit pa kayo? (DELIA CUARESMA)

http://tempo.com.ph/feed/