Walang pinipili

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 23 Jan 2019 16:00:05 +0000

timing box

 

 

NAMI-MISS ni Monsour del Rosario ang showbiz. Anang former action star, nami-miss na din niya ang pag-arte sa harap ng kamera at ang mga tsikahan with his co-actors sa set.

Aniya sa isang get together with some writers and constituents sa district 1 ng Makati kung saan congressman siya, “Masaya sa showbiz. Ayoko na sana sa politics. Kaya lang, kapag naiisip ko ang maraming taong nangangailangan ng tulong ko bilang public servant, lumalakas ang loob ko na ipagpatuloy ang political career ko.”

Sa May 2019 mid-term elections ay kandidato siya bilang vice mayor ng Makati. Running mate niya si Junjun Binay bilang mayor.

“Gusto kong mas marami pang matulungan. Maraming problema ang Makati. Gusto ng pagbabago ng mga tao. Sa aming Team Malasakit, walang pinipiling serbisyuhan…kakampi o kalaban,” wika ni Monsour.

MONSOUR del Rosario

MONSOUR del Rosario

Naikuwento niya ang isang five- year old kid na may leukemia na natulungan niya. Binigyan niya ng guarantee letter para maipagamot ito sa PGH (Philippine General Hospital). Isang kapartido niya sa pulitika ang nagsabi sa kanya na bakit tinulungan niya. Hindi naman sila ibinoto ng mga kapamilya nito dahil kalaban nila ang mga ‘yun. Ang dapat daw na tinutulungan nila’y ang mga kakampi lang nila.

“Ayoko ng ganu’n. Kakampi man o kalaban, tinutulungan ko,”ani Monsour.

 

NAGPAPABAYA?

May sagot din si Monsour kaugnay sa mga paratang sa kanya na taekwondo lang ang inaatupag niya. Diumano’y napapabayaan niya ang kanyang tungkulin bilang isang public servant.

Aniya, sa three years niya sa kongreso ay naipasa niya ang 51 bills as principal author. Almost 200 bills naman ang co-authored niya, isa na rito ang work-from-home bill na kamakailan lang ay pinirmahan ni President Rodrigo Duterte.

Isa rin si Monsour sa sponsors ng Free Tertiary Education Law at Universal Healthcare Law.

Aniya, nasa record books ng Kongreso ang mga programang nagawa ng kanyang opisina.

http://tempo.com.ph/feed/