Langgam vs ipis

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 16 Jan 2019 16:10:04 +0000

alex calleja

 

ANG column na ito ay ginawa para sa mga ta­ong may suliranin sa bu­hay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o mala-king problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

*  *  *

Hi Alex,

Madalas po ako mag-travel here and abroad. Minsan domestic flight, minsan international. At OO, lagi akong nakaka-experience ng delayed na flight, hindi ko na sasabi­hin ang airlines para na­man hindi sila mapahiya (Cebu Pacific at PAL). Naiintindihan ko kapag dahil sa air traffic or da­hil hindi agad makalipad dahil nakapila. Ang hindi ko lang ma-gets, once na lumipad eh bakit hindi na lang nila bilisan ang andar para makahabol sila sa oras. Pwede po ba nilang gawin yun, Tito Alex?

Ysabel ng Makati City

 

Hi Ysabel,

Pwede naman nilang gawin yun kasi wala namang humps o traffic light sa himpapawid! Yan din nga ang suggestion ko sa mga piloto kasi kung papasok ka sa cockpit, de­layed na nga sila eh hindi pa sila nagmamadali! Nag­kwekwentuhan pa! Dapat kapag delayed, tapak na sila sa gas at bilisan nila ang lipad! Wala namang speed limit sa langit! Kapag may nakaharang na eroplano, overtake! Overtake sa kanan o kaliwa, pwede rin overtake sa ilalim o sa itaas! Hayaan mo at sasabihin natin yan sa mga airline na madalas ma-delayed (hindi kayo yun PAL at Cebu Pacific ha!)

*  *  *

Hi Alex,

Lagi akong puyat. Kahit maaga akong mahiga, madaling araw na ako kung makatulog! Kinaka­bahan tuloy ako dahil madaming nagsasabi na masama daw ang mag­puyat! Masama sa ka­lusugan, masama sa skin, masama sa emotionally and mentally! Masama ba talaga ang magpuyat?

Conrado ng Cavite City

 

Hi Conrado,

Hindi masama ang mag­puyat kung paminsan-min­san. Pero kung araw-araw, masama! Ang problema sa’yo kaya hindi ka nakakat­ulog lalo eh dahil kinaka­bahan ka na! Ganito ang isipin mo para hindi ka ka­bahan! Bilog ang mundo at sa kabilang mundo, umaga sa kanila! Ibig sabihin, gis­ing sila! At kung gising sila, puyat din sila pero hindi lang nila alam dahil umaga sa kanila! Laging may puyat sa buong mundo! Ang ma­halaga nakakatulog ka! At nakakagising! Dahil ang iba, sa sobrang himbing ng tulog, hindi na gumigising!

*  *  *

Hi Alex,

Sino ang mas matindi, langgam o ipis?

Dino ng Singalong

 

Hi Dino,

Langgam ang mas mat­indi! Ang ipis kapag na­matay, linalanggam! Ang langgam kapag namatay, hindi iniipis!

*  *  *

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alexcalleja1007@yahoo.com facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007

http://tempo.com.ph/feed/