Derek, Kapuso na?
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Mon, 14 Jan 2019 16:20:50 +0000
HINDI na ni-renew ng TV5 ang kontrata ni Derek Ramsay, pero maayos naman ang paghihiwalay nila. No bad blood at nananatiling on good terms sila.
Inaabangan this week ang pagpirma ni Derek ng kontrata sa GMA7 para maging certified Kapuso na siya. Balitang may nakalatag nang project para sa kanya.
Samantala, ang ganda ng bagong TV commercial ni Derek para sa isang donut brand kasama sina Piolo Pascual at Dingdong Dantes. Naipost pa niya sa socmed na matapos ang commercial shoot ay nag-hang-out sila sa isang bagong bar.
Sayang at nasa ABS-CBN si Piolo. Maganda sanang pagsamahin sa isang TV project silang tatlo nina Dingdong at Derek nga-yong Kapuso na rin ang huli. Puwede siguro sa pelikula dahil pinapayagan ng GMA makalabas sa Star Cinema ang talents nila.
BREAK NA?
Break na nga ba sina Lovi Poe at Chris Johnson? Pansin ng netizens na hindi na nagpo-post sa socmed si Lovi ng photos nila ni Chris. November last year pa siya huling nag-post ng magkasamang photos nila ng naturang French guy.
Tahimik lang si Lovi about her lovelife at mukhang nag-e-enjoy siya sa trips niya abroad na siya lang mag-isa. Enjoy siya sa kanyang “alone” time.
Pansin ng fans ni Lovi, bakit daw walang nagtatagal na boyfriend ang idolo nila? Madali raw bang magsawa si Lovi o hindi pa lang niya natatagpuan si Mr. Right?
Nakarelasyon niya sina Jolo Revilla, Ronald Singson, Rocco Nacino at Chris Johnson.
PUWEDE NA
Sa pag-amin ni Julie Anne San Jose na break na sila ni Benjamin Alves, natutuwa ang followers nila ni Alden Richards. Puwede na raw pagsamahin sa isang teleserye sina Julie Anne at Alden.
Isyu noon sa AlDub fans ang closeness ng dalawa. Wait and see na lang kung makakaisip ng project ang GMA para kina Alden at Julie Anne. Kaya lang, wala sa listahan ni Alden si Julie Anne sa Kapuso stars na gusto niyang makatrabaho. Ang nabanggit niya ay sina Heart Evangelista, Lovi Poe at Jennylyn Mercado.
Sabagay, hindi naman choosy si Alden. Kung sino ang itambal sa kanya, okey lang.