Ricci nag-sorry kay Liza
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Mon, 14 Jan 2019 10:08:42 +0000
AYAN! Dahil sa mga pakuda na akala mo kung sinong sikat, napilitan tuloy itong basketball-player-turned-actor na si Ricci Rivero na humingi ng paumanhin kay Liza Soberano.
Sa isang panayam kasi, natanong itong si Ricci kung willing siyang makatambal si Liza sa isang proyekto.
Siyempre pa, pwede niya itong sagutin in a nice way ‘diba, pero hindi. Sagot ba naman nito: “Depende sa schedule ko…”
The nerve!
Marami ang nainis sa tinuran na ito ni Ricci. Feeling ng iba, lumaki na raw ang ulo nito mula nang magkaroon ng pelikula na sinali sa Metro Manila Film Festival kamakailan.
Well, dahil na rin siguro sa takot na maunsyami ang namumukadkad pa lamang niyang showbiz career, dagli nitong tinext ang manager ni Liza na si Ogie Diaz.
Ibinulgar ito ni Ogie mismo sa isang Facebook post.
Ani Ogie, “Nag-text siya sa akin and he said, ‘Tito Ogie, super sorry po for what happened. I didn’t mean to say that in a bad way, but I was just trying to say that I don’t wanna go between Enrique (Gil) and Liza because I respect the love teams in the industry and I even said that Liza will always be Liza – so that simply means that she is already established as Liza. And who am I to say no? But I know it’s probably the way I said that statement so I’m sorry for that po.’”
Ayon kay Ogie, may dagdag pa daw itong si Ricci sa kanyang apology na, “I hope you understand and not only you, but especially Liza… I look up to Liza rin naman po and I think you know that.”
Apektado nga ba si Liza?
Ani Ogie, “Actually natawa lang siya.”
‘Yun na! (DELIA CUARESMA)