Bianca, seksing Badjao?

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 02 Jan 2019 11:05:24 +0000

 

 

BIANCA Umali

BIANCA Umali

NATUWA ang mga fans nila Bianca Umali at Miguel Tanfelix dahil mapapanood na nga ulit sa primetime ang BiGuel loveteam sa bago nilang pagsasamahan na teleserye.

Gaganap bilang isang babaeng Badjao sa teleseryeng “Sahaya” si Bianca.

Bilang Badjao ay kailangang matutong lumangoy ng tama si Bianca kaya naman kumukuha ito ngayon ng swimming at free diving lessons.

“May mga eksena po kami na lalangoy ako sa open sea. Kaya kailangan alam ko po ‘yung proper na paghinga at pagkilos sa tubig.

“Although nagsu-scuba diving ako, iba po iyon. Mas mahirap itong free diving,” paliwanag pa ni Bianca.

Inaral din ng Kapuso teen actress ang isang sayaw ng Badjao na kung tawagin ay Pangalay.

“Marami po akong nire-research tungkol sa katutubong Badjao. Yung culture nila, paano sila nabubuhay araw-araw at ‘yung mga ginagawa nila tuwing may mga okasyon.

“Gusto ko pong maging totoo ang pagganap ko bilang isang Badjao,” diin pa niya.

Ingat din si Bianca sa kanyang katawan. Hindi siya dapat madagdagan ng timbang at mapanatili nito ang slim figure niya.

“Panay naman po ang workout ko kaya maintained po ang katawan natin.

“Mga babaeng Badjao po kasi, mga payat sila kaya magagaling silang lumangoy at sumayaw. Kaya kailangan po ay kasing katawan ko sila habang ginagawa ko ang ‘Sahaya.’”

Ang ka-love triangle ng BiGuel ay ang StarStruck 6 Ultimate Male Survivor na si Migo Adecer. (RUEL J. MENDOZA)

http://tempo.com.ph/feed/