Kylie Versoza, inulan ng batikos
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 02 Jan 2019 10:59:41 +0000
PALPAK ang pagpapaseksi ng beauty queen-turned actress na si Kylie Versoza sa social media recently. Imbes kasi papuri, puro batikos ang nakuha nito.
Take note, magaganda ang mga kuha niya, huh? At litaw na litaw ang mga kurba na nagpanalo sa kanya bilang Miss International 2016.
Ang siste, tila ayaw ng mga fans niya na magpaseksi siya beyond pageants.
Sabi nga ng isa, “I just wish she didn’t post these not so flattering photos on here. It’s just so unbecoming of her…”
“Not queenly,” dagdag pa ng isa.
Diin pa ng isa, “You look very hot but feels like from pedestal as miss international you look very cheap on your recent posts?”
Hindi nag-react si Kylie sa mga comments. Instead, nag-post pa ito ng ilan pang mga ritrato na kuha rin sa same place sa Bohol.
Tila gusto nitong ipahiwatig na wala siyang pakialam sa kung ano man ang iniisip ng mga followers, rather mas gusto niyang sundin ang tibok ng puso niya.
Ika nga niya sa caption niya sa isa sa mga photos, Dear 2018, you’ve taught me how to love, you’ve taught me how to cry, you’ve taught me how to forgive, you’ve taught me how to live.
Go lang nang go, Kylie! Show us more this year! (DELIA CUARESMA)