Sila na nga!
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 02 Jan 2019 08:19:00 +0000
WALA mang opisyal na confirmation tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon, marami ang naniniwala na mag-on na in real life ang magka-love team na sina Julia Barretto and Joshua Garcia.
Bakit hindi eh super sweet naman talaga ang dalawa during public appearances.
Pinagsabihan na nga daw ang dalawa ng ABS-CBN management na hinay-hinay lang sa PDA dahil marami silang batang fans pero wapaki ang dalawa huh!
Anyway, mukhang kinumpirma na ni Julia sa wakas ang hula ng lahat sa latest Instagram post nito kung saan tinawag niya si Joshua na “boyfie.”
“Video calling with a gamer boyfie looks like this,” sey niya sa post.
Naku huh!
Parang kailan lang nagkalabuan ang dalawa dahil nga sa paglalandi diumano nitong si Joshua sa isang babae sa social media.
Bagama’t nag-sorry kaagad ito sa dalaga, ayon kay Julia kailangan niyang matutong magtiwala uli kay Joshua.
Oh well, mukhang lusot na sa gusot ang Batangueñong tsikboy!
Panalo ka, Joshua! (DELIA CUARESMA)