Mga pangakong napapako
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Thu, 27 Dec 2018 08:13:48 +0000
ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o mala-king problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
* * *
Hi Alex,
Belated Merry Christmas and Advance Happy New Year! May natanggap akong regalo sa girlfriend ko na hindi ko gusto. T-shirt siya, maganda naman pero masikip sa akin. Hindi ako macho at medyo malaki ang tiyan ko kaya kapag sinuot ko, halata ang malaki kong tiyan. Hindi ko sinasabi sa kanya kasi baka sumama ang loob niya. Gustong gusto ko na talagang sabihin sa kanya! Ano kaya ang dapat kong gawin?
JJ ng Novaliches
Hi JJ,
Wag mong sasabihin na ayaw mong suotin ang regalong t-shirt sa’yo ng girlfriend mo! Gulo yan! Ganito ang gawin mo, isuot mo sa susunod na magde-date kayo. Kapag nakita niya na halata ang tiyan mo, siya na mismo ang magsasabi sa’yo na wag mo na ulit susuotin ang t-shirt! Ibibili ka pa niya ng bago!
* * *
Hi Alex,
Ilang araw na lang at bagong taon na. Nag-iisip ako ng New Year’s resolution na gagawin ko para sa susunod na taon. Pinag-iisipan ko kung magpapalaki ako ng katawan, iiwas sa pagyoyosi at hindi na iinom ng alak. Pwede rin na hindi na ako gagastos sa mga walang kakwenta-kwentang bagay. O kaya, magiging healthy na ako at iiwas sa mga pagkaing masasama sa katawan. Ano kaya ang magandang New Year’s resolution sa susunod na taon?
Archie ng Monumento
Hi Archie,
Nalilito ka ba kung ano ang gusto mong maging New Year’s resolution? Sa simula lang yan, dahil sa bandang huli, lahat yan, hindi mo rin masusunod! Walang matutupad diyan maniwala ka! Tigilan mo na yan dahil hanggang unang buwan mo lang magagawa yan! Wag mong lokohin ang sarili mo! Ang suggestion kong New Year’s resolution mo eh wag ng gumawa ng New Year’s resolution!
* * *
Hi Alex,
Eleksyon na sa susunod na taon. Madami na naman ang mga ipapangako ng mga politiko sa ating mga botante. May mga matutupad kaya sa mga pangako ng mga politiko sa darating na eleksyon?
Reggie ng Aurora Blvd.
Hi Reggie,
Tamang-tama, basahin mo ang sagot ko sa tanong sa akin ni Archie tungkol sa New Year’s resolution bago nitong tanong mo. Ang mga pangako ng mga politiko, parang New Year’s resolution, walang natutupad!
* * *
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alexcalleja1007@yahoo.com facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007