Kris Bernal, may patikim
Patuloyang paghikayat ni Kris Bernal sa mga followers niya sa social media na bisitahin ang bago niyang resto. Ito ay ang Korean restaurant na House of Gogi sa Dapitan 55 Lifestyle Complex.
Aniya super worth it daw ito at personal niyang pinaghirapan buuin ang mga putahe rito.
Well, mukha naman, dahil picture pa lang ay talagang nakakatakam na ang mga ito.
Patok na patok nga sa mga nakapunta na ang unlimited Korean barbecue ni Kris.
Tila kakaiba raw ang ginagamit na karne sa resto, malambot, very juicy at fresh na fresh!
Nagkakasakitan?
Pinabulaanan ni Valerie Concepcion ang tsismis na nagkakatotohanan na raw sila ni Jean Garcia sa mga fight scenes nila para sa upcoming GMA Afternoon Prime series na “Ika-5 Utos.”
Ayon sa mga kuwento, unang week pa lang daw ng taping ng show, matindi na agad ang fight scenes ng dalawa na nagresulta diumano sa pagkakapikunan ng mga ito.
Natawa na lang si Valerie ng usisain namin tungkol dito.
Aniya, “Okay kami ni Ate Jean. Actually, we always ask each other after the scene na ‘Are you okay? Pasensya na.’”
Dagdag pa ni Valerie ‘di maari ang pikunan sa kanila dahil professional sila at alam nilang trabaho lang ang lahat.
“Walang hard feelings talaga,” giit pa ng hot momma.