Mahigit P1.5-M party drugs kumpiskado

By Kate Javier

Mahigit sa P1.5 million halaga ng party drugs ang nakumpiska ng police sa isang couple sa isinagawang buy-bust operation sa Manila nitong Huwebes ng gabi.

Nadakip ng anti-narcotics operatives ng Northern Police District-Drug Enforcement Unit si Kim Carlo Gonzales, 28, residente ng Manila at ang kaniyang girlfriend na si Julia Celine Santos, 25, ng Quezon City.

Ikinasa ng team ni Senior Inspector Arnold Alabastro ang buy-bust operation laban sa dalawa sa tapat ng bahay ni Gonzales dakong 10 p.m.

Inaresto ang dalawa matapos nilang magbenta ng R20,000 halaga ng tablets at liquid ecstasy sa isang undercover cop.

Ayon sa police, na-rekober din nila ang 824 piraso ng ecstasy tablet na nagkakahalaga ng P1,236,000; 1.450 ml. liquid ecstasy na nagkakahalaga ng P290,000; 18.5 grams ng cocaine na nagkakahalaga ng P77,700; at isang sachet ng dried marijuana leaves na may halagang P4,000.

Inamin ng couple na sila ang nagsu-supply ng party drugs sa bars sa Manila at Quezon City areas.

Sasampahan ang dalawa ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

http://tempo.com.ph/feed/