Kenley Filarca, dinedma ang bashers

By Robert R. Requintina

Kararating lang ng bansa ni Kenly Filarca mula sa matagumpay na pagkapanalo niya bilang Ambassador ng Mister National Universe sa Thailand kamakailan lamang.

Kenley Felarca

Sa victory press conference na ginanap sa Makati nitong Sabado ng gabi, inamin ni Kenley na may mga bashers talaga siya pero unti-unti na rin niya itong natututunan harapin.

“We cannot please everyone. I’ve been through bashing even when I first competed in Gentlemen of the Philippines few years ago and up to this time,” ayon sa kanya.

Nagpatuloy pa si Kenley sa pag explain tungkol sa kanyang napanalunan na Mister National Universe Ambassador title.

“Gusto ko lang liwanagin sa part of ranking ng titles. Galing ito sa kontrata namin sa Thailand. After Mister National Universe winner, si Mr, Nepal, ako yung kasunod na title,” sabi ni Kenley.

“Ako rin surprised pero I’m so thankful sa organization for this award. They have explained it in social media and they have released a statement na rin on the matter,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Kenley na sana ay matuwa na lamang ang mga Pilipino sa pagkapanalo niya sa naturang contest imbes na mag-bash.

“I have no right to question it. I’m just happy with all these blessings. Let’s just be proud that we Filipinos have been trusted with this title.”

Inamin ni Kenley na talagang pinapatulan niya minsan ang mga bashers. Pero unti-unti na niyang pinag-aaralan paano manahmik at mandedma ng mga basher.

Kinumpirma rin niya na sa Pilipinas gaganapin ang Mister National Universe pageant sa isang taon. “The organizers want to have the coronation in Boaracay, Aklan pag open na siya sa public.”

http://tempo.com.ph/feed/