Zanjoe, may bago na?
By Delia Cuaresma
Maaring hind pamilyar sa ilan sa inyo ang babaeng nasa litrato.
Siya si Josie Prendergast, isang surfer at model na ipinanganak sa Siargao nguni’t lumaki sa Australia.
Kilala siya internationally dahil sa mga ad campaign niya para sa mga sikat na brands na Billabong at McTavish.
Pero, of course, hindi ito ang topic natin.
Pinag-uusapan ngayon sa apat na sulok ng local showbiz itong dalaga dahil sa ito raw ang nagpapatibok sa ngayon ng puso ng aktor na si Zanjoe Marudo.
Talaga ba?
Nagsimula ang espikulasyon ng mag-post itong si Josie ng sweet photo niya together with Zanjoe sa Instagram.
Lalong nag-init ang usap-usapan nitong huli makaraang makita si Zanjoe na isa sa mga umattend sa 19th birthday celebration ni Josie last June 19 sa Siargao.
Kung totoo ito, it’s about time for Z. Matagal-tagal na rin silang hiwalay ni Bea Alonzo.
Pero, marami ang nagtatanong kung anong nagyari sa sweet-sweetan nila ni Bela Padilla? For show lang ba iyon?
Tahimik pa rin si Zanjoe ukol kay Josie so antay-antay lang tayo sa developments.