BJMP, sali sa bloodletting

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga (PIA) – May kabuuang 63 kawani mula sa Bureau of Jail Management and Penology o BJMP ang lumahok sa bloodletting activity na isinagawa ng ahensya.

Bahagi ang nasabing aktibidad ng pagdiriwang ng Community Relations Service Month ngayong Hunyo.

Ayon kay BJMP Regional Community Relations Service Section Chief JailInspector Nigel Arellano, ito ang kanilang social responsibility na naglalayong tumulong hindi lamang sa mga nasa loob ng piitan kundi maging sa publiko.

Aniya, marami silang nakaplanong mga aktibidad ngunit naisip nilang pinakamahalaga ang bloodletting dahil maraming tao ang nangangailangan ng dugo.

Nakalikom ang BJMP ng 16 bag ng dugo mula sa aktibidad na kanilang ido-donate sa Philippine Red Cross.

http://tempo.com.ph/feed/